Muling ipinaalala at mahigpit na ipinag-uutos ng Kagawaran ng Edukasyon ang “no collection policy” sa mga opisyal ng pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya sa graduation rites at moving- up ceremony para sa mga mag-aaral na magsisipagtapos ngayong school year 2018-2019.

Batay kasi sa DepEd Order No. 002 series of 2019 na may titulong ‘School Year 2018-2019 K to 12 Basic Education Program End of School Year Rites’, nakasaad dito na ang mga gastusin sa naturang aktibidad ay dapat kukunin umano sa MOOE o Maintenance and Other Operating Expenses ng mga paaralan at hindi sa mga bulsa ng mga estudyante o mga magulang.

Sa nasabing polisya ng kagawaran, bawal ang pangongolekta o mag-obliga sa mga estudyante ng anumang bayarin.

Sa katunayan sinabi ni Ferdinand Narciso ng DepEd Ro2, na si mismong si DepEd Secretary Leoner Briones ang nagsabing dapat gawing ‘simple ngunit makabuluhan’ ang graduation at moving up ceremony.

Dagdag pa ni Narciso, na hindi rin dapat umanong gawing mandato para sa graduation o completion ng mga mag-aaral ang mga non-academic projects.

-- ADVERTISEMENT --
tinig ni Narciso

Dagdag naman ni Amir Aquino, tagapagasalita ng kagawaran, mismong ang Regional Director ng DepEd Region 2 na si Dir. Estela Carino ang paulit-ulit na nagpapaalala sa lahat ng mga Schools Division Superintendent patungkol sa naturang patakaran.

tinig ni Aquino

Maganda ang patakaran ng kagawaran subalit sa likod ng paghihigpit na ito, bakit mayroon pa rin tayong natatanggap na reklamo mula sa mga ilang mga magulang.

Halimbawa na dito ang ilang mga concerned parents na dumulog sa himpilan ng Bombo Radyo kaugnay sa umanoy pangongolekta ng isang eskwelahan dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Batay sa salaysay ng isang ginang, nangongolekta di umano ang naturang eskwelahan ng tig-isang daang piso sa bawat mag-aaral na magsisipagtapos ng kindergarten.

Nasa 60 mga bata ang kinakailangang umanong magbayad para sa graduation rites.

Agad namang pinabulaanan ng Tuguegarao West Central School ang eskwelahan na inireklamo.

Depensa ni Janeth Dulin, principal, boluntaryo umanong ibinigay ang naturang halaga at hindi sapilitang kinolekta sa mga magulang.

Mismong siya rin umano ang nagsabi sa mga guro na bawal ang pangongolekta ng anumang halaga mula sa magulang.

Paliwanag pa niya na mayroon umanong mga magulang ng nagbigay ng donasyon dahil sa kagustuhang mapaganda ang graduation.

Sa ngayon ay inutusan na lamang ni Principal Dulin ang mga guro na ibalik ang natanggap na donasyon sa mga nagbigay na magulang.

tinig ni Dulin

Hindi lamang dito sa lungsod ng Tuguegarao ang may kaparehong sitwasyon, sa bayan ng Lasam dito pa rin sa probinsiya ng Cagayan.

Si Aling Analyn, isa sa mga magulang na may anak na magtatapos sa K to 12 Program.

Sinabi niya, hindi na umano mahirap para sa kanya ang P1,700 pesos na babayaran para sa pagtatapos ng kanyang anak dahil pinag-ipunan niya ito mula sa natatanggap na ayuda mula sa 4ps.

Napag-usapan naman umano ito ng mga magulang at guro kung saan sa una ay hindi sumang-ayon ang ilan subalit kalaunay pumayag din sila.

Ang nakakalungkot lamang dito ay ng hindi pagbibigay sa clearance ng mga estudyante kung sakaling hindi makapagbayad ng nasabing halaga.

pahayag ng isang magulang

Kung ang ilang mga magulang ay nagrereklamo sa halagang inilalatag para sa okasyon ang ilan naman ay sumasang-ayon.

Katulad ni ate Maxima kung saan napag-usapan naman umano sa pagpupulong nila ng mga magulang at guro ang patungkol sa gaganaping pagatatapos ng mga mag-aaral sa kindergarten.

Hindi naman umano sila mandato na magbayad at boluntaryo lamang ang pagbibigay nila ng P45 pesos para gagamitng pambili ng miryenda ng mga magiging panauhin sa pagtatapos ng mga anak.

dagdag na pahayag ng magulang

Positibo at negatibo, nakakalito kung sino ang nagsasabi ng totoo, ang mga magulang ba o ang mga guro.

Mahalaga na malaman ang katotohanan upang masolusyonan ang problema.

Kasabay nito hinamon ng kagawaran ang mga magulang na maghain ng formal complaint upang ma-imbestigahan ang mga ganitong reklamo.

tinig muli ni aquino

Hinikayat rin niya ang mga magulang na i-record ang anumang mapag-uusapan sa pulong upang mayroong patunay sa mga inrereklamo.

Importante rin umanong dumalo sa mga isinasagawang pagpupulong dahil kadalasan na galing umano sa mga magulang na hindi dumadalo sa meeting ang mga nagrereklamo.

tinig muli ni aquino

Ang ‘No collection policy ay hindi basta bastang usapin lalo pa’t sa hirap ng buhay ngayon.

Nawa sa mga susunod pang mga taon ay wala na tayong maririnig na reklamo patungkol dito.

Sana maipatupad at mainitindihan ng tama ng bawat isa./BERNADETH HERALDE