Isasagawa bukas, araw ng Miyerkules ang isang araw na Diskwento Caravan ng Department of Trade and Industry sa bayan ng Tuao, Cagayan, ilang araw bago ang Pasko.

Ayon kay Mar Anthony Alan, Senior Trade and Industry Development Specialist ng DTI Cagayan na tampok sa Diskwento Caravan ang mga noche buena items tulad ng mga grocery items o mga panghanda at mga panregalo ngayong Pasko tulad ng mga damit, gamit sa bahay at mga laruan.

Sinabi ni Alan na ang mga produktong mabibili mula sa mga local at national distributors ay discounted ang presyo ng hanggang 30% o presyong wholesale.

Layunin nito na makatulong sa mga consumers at makapag-offer ng mga produkto sa mababang halaga na mas mababa pa sa Suggested Retail Price.

Ang diskwento caravan ay gagawin sa 2nd floor ng Pamilihang bayan ng Tuao West mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

-- ADVERTISEMENT --