TUGUEGARAO CITY- Pinawi ng Northern Luzon Command ng AFP ang pangamba ng publiko na magkakaroon ng pag-atake ang ISIS sa ilang malalaking simbahan sa bansa kabilang dito sa Tuguegarao City.

Ito ay matapos na kumalat sa social media ang isang alert memorandum kung saan nakasaad na may banta ng pag-atake sa Laoag City, Vigan, Pangasinan at Tuguegarao City.

Kinumpirma ni Major Erickson Bulusan, information officer ng NOLCOM na tunay ang nasabing memo subalit ito ay para sa kanilang intelligence operatives at hindi para sa publiko.

Nilinaw ni Bulusan na ang nasabing memorandum ay hilaw pa at para sa beripikasyon.

Ayon sa kanya, iniimbestigahan na nila kung sino ang nagpakalat ng nasabing memorandum at kanila itong papanagutin.

-- ADVERTISEMENT --