Pinasabog ng North Korea ang ilang bahagi ng dalawang pangunahing kalsada na nagdudugtong sa timog na bahagi ng peninsula.
Sinabi ng mga awtoridad ng South Korea na ginawa ito ng North Korea kasunod ng babala ng Pyongyang na magsasagawa sila ng hakbang upang putulin na ang kanilang teritoryo mula sa South.
Ayon sa Joint Chiefs of Staff (JCS) ng Seoul, sinira sa pamamagitan ng pampasabog ang ilang bahagi ng Gyeongui line sa West coast at Donghae line sa East coast, dalawang major road at railway na nagdudugtong sa North at South.
Subalit, walang idinulot na pagbabago ang pagsira dahil ang dalawang Koreas ay nananatiling hati at ilang taon na hindi na ginagamit ang mga nasabing mga kalsada.
Ngunit ang simbolismo nito ay sa gitna ng tumutinding tensiyon sa pagitan ng dalawang lider ng Korea.
Ayon sa JCS, bilang tugon sa nasabing pagpapasabog, nagpaputok ng mga baril ang Korean military sa loob ng lugar ng south sa military demarcation line at patuloy na sinusubaybayan ang pagkilos ng militar ng North Korea, at pinapanatili ang kahandaan sa ilalim ng kooperasyon sa US.