
Nanawagan ang National Union of Journalists of the Philippines o NUJP at CenterLaw na decriminalize ang libel, dahil maaari umanong magdulot ng takot at pagpipigil sa pamamahayag at malayang pagpapahayag.
Ayon sa NUJP, sapat nang gawing civil case ang libel upang makapaghain ng reklamo at humingi ng danyos nang hindi nanganganib sa pagkakakulong ang akusado.
Giit naman ng CenterLaw, pangunahing usapin ng reputasyon ang libel kaya dapat civil litigation at monetary damages ang maging remedyo, alinsunod sa proteksyon ng Konstitusyon sa freedom of speech, expression at press.
Binigyang-diin ng NUJP na hindi lamang mga mamamahayag ang maaaring maapektuhan, kundi maging mga ordinaryong mamamayang kritiko ng mga nasa kapangyarihan.
-- ADVERTISEMENT --










