
Hinatulang makulong ng habang-buhay ang isang lalaking nurse sa Germany dahil sa pagpatay sa 10 pasyente sa pamamagitan ng lethal injection at tangkang pagpatay sa 27 iba pa.
Ayon sa prosecutors, tinurukan ng nurse ang halos lahat ng matatandang pasyente ng painkillers o sedatives para mabawasan ang kanyang trabaho sa gabi.
Sinabi ng tagapgaslita ng korte sa Aachen, na malabong makalabas ng kulungan ang nurse sa loob ng 15 taon, ang minimum na panahon ng hatol para sa life sentence sa Germany dahil sa malaki ang kanyang ginawang krimen.
Ginawa ng nurse ang krimen sa pagitan ng December 2023 hanggang May 2024 sa isang clinic malapit sa Aachen sa western Germany.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang marami pang kahina-hinalang insidente sa panahon ng karera ng nurse.
Ang pinakamatinding pagpatay sa post-war history ng Germany, ay ang pagkakakulong ng dating nurse noong 2019 dahil sa pagpatay sa kanyang 85 na pasyente.









