Nagsagawa ng relief operations ang Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT) sa Bambang, Nueva Vizcaya para sa mga komunidad sa Batangas na lubos na naapektuhan ng bagyo.

Kabilang sa mga bayan na nakatanggap ng tulong ay ang Agoncillo, Talisay, at Laurel.

Ang isinagawang relief operations ay bilang bahagi ng social responsibility program ng NVAT, kung saan namahagi sila ng mga sariwang gulay at prutas upang makatulong sa mga pamilyang nasalanta.

Ayon sa ulat, ang NVAT ay isa sa pinakamalaking bagsakan ng mga produktong agrikultural sa Pilipinas at nagsusuplay rin sa mga kalapit na rehiyon.

Sa relief operation, nakapamahagi ang NVAT ng mahigit 7,000 kilo ng gulay at prutas, kabilang ang 3,140 kilo ng kalabasa, 950 kilo ng sayote, 747 kilo ng kamote, 683 kilo ng talong, 1,516 kilo ng pipino, 453 kilo ng saging, 17 kilo ng lemon, 97 kilo ng pomelo, 24 kilo ng papaya, at 93 kilo ng carrots.

-- ADVERTISEMENT --

Ang naturang relief operations ay personal na iniabot ng Manager ng NVAT na si Ginoong Gilbert Cumila sa Department of Agriculture Regional Field Office 4A.