TUGUEGARAO CITY-Nagsimula nang maghanap ng contingents mula sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa ang National Youth Commission (NYC) upang lumahok sa ika-46 na Ship for Southeast Asian and Japanese Youth Program (SSEAYP) na gaganapin sa buwan ng Oktubre ngayong taon.

Ayon kay Czarina Dionglay, Philippine contingent na mula sa region 4, isang oportunidad sa mga kabataan ang mapasali sa SSEAYP dahil mas malilinang nito ang kakayahan at kagalingan sa kani-kanilang sektor.

Mapapalawak din nito ang kaalaman ukol kultura at tradisyon ng mga bansang miembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Kaugnay nito, sinabi ni Dionglay na kahit sinong kabataan , nag-aaral man o hindi o di kaya’y nagtatrabaho ay maaaring sumali sa SSEAYP ay sagot ng gobyerno ang lahat ng gastusin.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nasa 27 kabataan na ang kalahok sa naturang programa na mula sa Pilipinas na galing sa iba’t-ibang rehiyon .

ang tinig ni Dionglay

Samantala, sinabi naman ni Nana Tsumako, Japanese contingent ng SSEAYP, mahalaga ang pagsali ng mga kabataan sa naturang programa dahil mas nakakabuo ito ng koneksyon para mapaglapit pa ang mga bansang kabilang sa Southeast Asia.

Aniya, isa sa pundasyon ng pagkakaibigan ng bawat bansa ay ang interes na ipinapakita ng bawat kabataan na matutunan ang kultura at tradisyon.

ang tinig ni Tsumako