Isa nang malakas na bagyo na o typhoon category na ang bagyong Ofel kaninang madaling araw ng Miyerkules.

Huling namataan ang bagyo sa layong 630 km East of Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyong OFEL ang lakas ng hangin na 120 km/h at pagbugso ng hangin na nasa 150 km/h.

Kumikilos ito sa direksyon na Westward sa bilis na 25 km/h.

Inaasahang mananalasa ito sa Northern Luzon bukas, araw ng Huwebes.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, inaasahan din madagdagan ang mga lugar na isasailalim sa Tropical Cyclone Wind Signals.

Pinapayuhan ang lahat ng mga residente sa mga nabanggit na lugar na maghanda sa posibleng mga pagbugso ng hangin, mga pagbaha, pagguho ng lupa, at storm surge.

Dahil dito nakataas na ang Signal No. 1 sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, ang northern at central portions ng Isabela, Apayao, ang eastern portion ng Kalinga, ang easternmost portion ng Mountain Province (Paracelis), at ang easternmost portion ng Ifugao (Alfonso Lista).

Asahan ang mga kalat-kalat na pag-ulan sa mga oras na ito sa bahagi ng Bicol Region, Isabela, Aurora, Quezon, at Northern Samar dulot ng bagyo.

Samantala patuloy rin binabantayan ang isa pang bagyo na nasa labas ng PAR na huling namataan sa Eastern Visayas.

Sa oras na makapasok ng PAR ay tatawagin itong bagyong Pepito.