TUGUEGARAO CITY- Inihayag ni Governor Manuel Mamba ng Cagayan na wala umanong abiso sa kanya tungkol sa isasagawang offshore black sand mining sa lalawigan sa susunod na taon.

Sinabi ni Mamba na matagal na umano na nabuo ang proyekto na inaprubahan noon pang panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon sa kanya, proyekto ito ng pamahalaan at natapos na rin ang lahat ng proseso para dito kaya hindi na rin siya nakialam pa.

Kaugnay nito, sinabi ni Mamba na ang magagawa na lamang niya ay tiyakin na hindi lalabag sa anumang panuntunan sa offshore mining ang magsasagawa ng nasabing proyekto.

Gayonman, inamin niya na walang capability ang pamahalaang panlalawigan para imonitor ang extraction ng blacksand maliban lamang kung papayagan na isakay ang kanilang mga tauhan sa dredging machine kasama ang mga kawani ng Mines and Geosciences Bureau na silang may saklaw sa usapin ng pagmimina.

-- ADVERTISEMENT --