TUGUEGARAO CITY- Family problem umano ang sinasabing dahilan ng pagpapakamatay umano ng isang ginang na dating OFW sa Isreal sa Tuao, Cagayan kahapon ng hapon.

Sinabi ni PCAPT Ferdinand Datul, hepe ng PNP Tuao, batay sa pahayag ng pamilya ng biktima na si Lizette Fernandez ng Brgy. Dagupan, bago ang insidente nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at ang kanyang mister na nasa Israel nang sila ay mag-usap.

Ayon sa kanya, nasa banyo ang biktima nang isagawa ang umano’y pagbigti gamit ang electric wire.

Sinabi niya na pilit na binusak ng kapatid ng biktima ang pintuan ng banyo ng hindi ito sumasagot sa kanilang tawag dahil sa umiiyak ang kanyang anak na isang buwang sanggol.

Dito na nakita na nakabitin ang biktima at wala ng buhay.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Datul na hindi na idinetalye ng pamilya kung ano ang kanilang sinasabi na family problem.

Idinagdag pa ni Datul na sinubukan nilang tawagan ang mister ng biktima subalit hindi siya sumasagot.

Inulila ng ginang ang kanyang dalawang anak.

Nabatid na umuwi sa Tuao ang biktima nitong nakalipas na taon dahil siya ay buntis.