Asahan ang oil price increase simula bukas.
Sa magkakahiwalay na advisories, sinabi ng Seaoil, Shell Pilipinas, at Cleanfuel, asahan ang 50 centavos na dagdag sa presyo ng diesel at kerosene, habang ang gasoline ay tataas ng 20 centavos.
Una rito, sinabi ni Rodela Romero, director of the Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau, na ang oil price increase ay bunsod ng tumataas na demand mula sa South Korea at ang pagganti ng Iran sa Israel, na nakakaapekto umano sa supply situation.
Samantala, ipinaalala ni Romero sa retailers na ipatupad ng price freeze para sa household LPG at kerosene sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity bunsod ng epekto ng bagyong Kristine.