Asahan ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Base sa four-day Mean of Platts Singapore (MOPS) trading, ang inaasahang adjustment sa presyo ng gasolina ay hanggang P0.95 per liter, P0.10 per liter sa diesel, at P0.25 per liter sa kerosene.

Sinabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau (OIMB) assistant director Rodela Romero, iniuugnay ang oil price adjustments sa geopolitical tensions sa Iran.

Ayon kay Romero, ang panganib ng pagkagambala ng suplay sa Strait of Hormuz at walang katiyakan sa pag-uusap sa nuclear program ng Iran ang isa ring nakikitang dahilan ng pagtaas sa presyo ng langis.

May mga ulat din na pipigilin ng Estados Unidos ang mga barko o tankers na may lulan na Iranian crude.

-- ADVERTISEMENT --

Iaanunsiyo ng mga kumpanya ng langis ang price adjustments sa Lunes na ipatutupad naman sa araw ng Martes.