Nakatakdang muling magpatupad ng pagtaas sa presyo ang mga kumpanya ng langis bukas.

Batay sa abiso, may dagdag na 65 centavos ang diesel habang ang kerosene ay 60 centavos ang Shell Pilipinas, Cleanfuel, at Seaoil.

Ang gasolina ang may pinakamataas na dagdag presyo na P1.60 per liter.

Ito ang ikaapat na linggo na pagpapatupad ng oil price hike.

Sinabi ni Rodela Romero, director ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy na ang oil price hike ay bunsod ng geopolitical tensions sa Middle East, hindi inaasahan na malalaking withdrawals sa US crude inventories, at ang pagtaya para sa fuel demand.

-- ADVERTISEMENT --