Sasalubong sa mga motorista ang pagtaas sa presyo ng petrolyo ngayong unang linggo ng Setyembre.
Simula bukas, magkakaroon ng 50 centavos per liter na oil price increase sa gasoline ang Seaoil, CleanFuel, at Shell Pilipinas.
Ang diesel naman ay tataas ng 30 centavos habang 70 centavos naman sa kerosene na ipatutupad bukas.
Sinabi ni Rodela Romero, director ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy na ang pagtaas sa presyo ng langis ay bunsod ng lumalalang geopolitical tensions at ang biglaang pagtigil ng Libyan oil production/exports na nagdulot ng pagkabigla sa global markets.