Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng petrolyo bukas.

Matapos ang ilang beses na rollback, sinabi ng mga kumpanya ng langis na magkakaroon ng price hike ngayong linggo, at asahan ang nasa P1 kada litro.

Sa magkakahiwalay na advisories, sinabi ng Seaoil, Shell Pilipinas, Clean Fuel, at PetroGazz na magpapatupad sila ng P1.20 per liter ng diesel.

Samantala, ang presyo naman ng gasoline at kerosene ay may pagtaas na P1 per liter.

Sinabi ni Todela Romero, director ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, na ang oil price increase ay dahil sa external factors, lalo na ang lumalakas na concern sa kaguluhan sa Middle East.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa ni Romero na optimistic ang Petroleum Exporting Countries sa fuel demand.