May inaasahang rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo kasunod ng tatlong magkakasunod na linggo ng oil price hike.

Ayon sa Department of Energy, na maaring maglaro mula P0.70 hanggang P1 ang bawas sa kada litro ng gasolina.

Habang ang diesel ay mayroong bawas naman na P0.65 hanggang P0.95 sa kada litro at ang kerosene ay may bawas na P0.70 hanggang P0.80 kada litro.

Itinuturong dahilan ng bawas presyo ay ang huminang demand ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa araw ng Lunes malalaman kung magkano ang bawas presyo na kadalasang sa araw ng Martes ito ipinapatupad.

-- ADVERTISEMENT --