
Nahihirapan ang mga awtoridad sa Oman sa paglilinis ng oil spill mula sa isang grounded tanker dahil sa masamang panahon at teknikal na problema sa lugar.
Ayon sa state news agency ng Oman, delikado para sa salvage vessels at kagamitan ang malakas na monsoon at mababaw at mabatong lokasyon kung saan sumadsad ang tanker na Caroline Bezengi.
Tinatayang 800,000 barrels ng Russian crude oil ang karga ng barko nang sumadsad ito noong Hunyo 30 malapit sa isang marine nature reserve. Umabot na rin umano sa baybayin ng Oman ang oil spill at nagbabantang makaapekto sa mga marine wildlife, kabilang ang humpback whales at Socotra cormorants.
Patuloy ang koordinasyon ng Oman at risk-management company Ambrey para makontrol ang oil spill at mabawasan ang pinsala sa kapaligiran.










