Hiniling ni Ombudsman Samuel Martires na tanggalin ang confidential fund ng kanyang tanggapan.
Ginawa ni Martires ang kahilingan sa pagtalakay ng House Committee on Appropriations sa panukalang P5.824 billion budget ng Office of the Ombudsman (OMB) para sa taong 2025.
Sinabi ni Martires na mas nanaisin niya na wala siyang confidential fund hanggang sa matapos ang kanyang termino, kaysa sa magkaroon ng nasabing pondo na marami naman ang kukuwestion.
Hiling na lamang ni Martires na sa halip na confidential funds, dagdagan na lamang ang budget ng Ombudsman para makakuha ng dagdag na mga abogado at maiayos na nila ang digitalization program ng ahensiya.
Sinabi niya na kailangan nilang kumuha ng karagdagang 60 na abogado.
Ayon kay Martires, mas marami ang hindi abogado sa OMB units na kasama sa mga nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga kaso.