
Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nakapaghain ng counter-affidavit si Senador Robin Padilla kaugnay ng reklamong **obstruction of justice na isinampa laban sa kanya dahil sa umano’y pagtulong kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na makaiwas sa pag-aresto.
Ayon kay Remulla, naisumite ni Padilla ang kanyang counter-affidavit ngunit hindi ito naitala sa central records system ng Ombudsman dahil direktang naipasa ito sa dibisyong humahawak ng imbestigasyon. Sinabi rin niyang personal siyang sumulat sa senador upang ipaliwanag ang naging problema sa kanilang tanggapan.
Kasama rin sa reklamong inihain ng Tindig Pilipinas sina Senador Alan Peter Cayetano at dismissed Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca, na kapwa nakapaghain na rin ng kanilang counter-affidavit. Samantala, nauna nang sinabi ng *Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na hindi umano simpleng pagsakay lamang ang ginawang pag-alis ni Dela Rosa sakay ng sasakyan ni Padilla, kundi bahagi ng isang planadong hakbang upang makaiwas sa pagdakip.










