
Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na magsasampa ang kanyang tanggapan ng mahigit 20 kasong malversation laban kay CWS Party-list Representative Edwin Gardiola dahil sa umano’y pakikipagkontrata sa pamahalaan habang nagsisilbing miyembro ng Kongreso.
Ayon kay Remulla, isasailalim sa paunang imbestigasyon ang dalawang hanay ng mga kaso laban kay Gardiola dahil sa umano’y paglabag sa anti-graft laws na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na magkaroon ng pinansyal na interes sa mga kumpanyang may kontrata sa pamahalaan. Aniya, malinaw umanong may conflict of interest sa naturang mga transaksyon.
Idinagdag pa ng Ombudsman na ang kasong malversation na kinahaharap ni Gardiola ay isang non-bailable offense. Samantala, wala pang pahayag ang kampo ni Gardiola kaugnay sa mga alegasyon habang hinihintay pa ang kanyang panig.










