
Inatasan ng Office of the Ombudsman sina Senator Loren Legarda at anak nitong si Batangas Rep. Leandro Leviste na magsumite ng sagot sa reklamong plunder at graft laban sa kanila.
May kaugnayan ang reklamo sa umano’y kabiguan ng kompanya ni Leviste na magbigay ng solar power services na nakasaad sa congressional franchise nito.
Kinuwestiyon din ng Ombudsman ang sunod-sunod na extension ng medical leave ni Legarda, na nagsimula noong Agosto 3 at pinalawig hanggang unang linggo ng Setyembre. Iginiit naman ni Legarda na walang basehan at maling akusasyon ang reklamo at handa silang ilabas ang katotohanan.










