
Naghahanda si Ombudsman Jesus Crispin Remulla ng reklamo laban sa mga Facebook page na nagpapakalat ng maling impormasyon na mayroon siyang leukemia.
Ayon kay Remulla, halos tatlong taon na siyang cancer-free at layunin umano ng mga naturang post na sirain ang tiwala ng publiko sa kaniyang tanggapan.
Nakatakda silang magsampa ng reklamo sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at Facebook laban sa mga nagpapakalat ng pekeng balita.










