
Pinayuhan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang mga alkalde na suriing mabuti ang mga opisina sa kanilang sinasakupan.
Ito ay para matiyak na nababantayan ang mga posibilidad ng kurapsyon gaya sa local garbage collection at waste management contracts.
Pinuri nito sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa pagtanggi na mapasama sa nasabing mga panuntunan.
Ilan sa mga nais na ipatignan ni Remulla ay ang Office of the Building Official, Business Processing Licensing Office at maraming iba pa.
Kasabay din nito ay nanawagan si Remulla sa publiko na isumbong sa knailang opisina ang anumang anomalya na ginagawa ng kanilang mga alkalde.
-- ADVERTISEMENT --










