
Iginiit ng Office of the Ombudsman na hindi umano isinasaalang-alang ng Sandiganbayan ang mga ebidensiya ng prosekusyon laban kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa kasong may kaugnayan sa umano’y multang P92.8 milyong “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan.
Sa motion for reconsideration, sinabi ng Ombudsman na may sapat umanong ebidensiya na nagpapakita ng aktibong partisipasyon ni Revilla sa umano’y sabwatan na nagresulta sa ilegal na paglalabas at paglihis ng pondo ng pamahalaan.
Ayon pa sa Ombudsman, si Revilla umano ang humiling ng listahan ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na popondohan at tumanggap ng tinatawag na “commitment” kaugnay ng mga ito.
Nakapagpiyansa si Revilla noong Hulyo 31 matapos maglagak ng ₱1 milyong piyansa kaugnay ng kasong malversation.
Samantala, iginiit ng Sandiganbayan Third Division na ibinatay nito sa batas at mga ebidensiya ang desisyong payagan si Revilla na makapagpiyansa.










