POPCOM

TUGUEGARAO CITY-Inihayag ng Commission on Population (POPCOM) Region II na hindi parin maaring ipatupad sa bansa ang “One Child Policy”

Ito’y sakabila nang pag-aaral ng ahensiya na posibleng umabot sa dalawang milyon ang populasyon kada taon na banta sa mas malalang kahirapan sa bansa.

Ayon kay Herita Macarubbo, Director ng Popcom Region II , nakasaad umano sa kontitusyon ang karapatan ng mag-asawa na magplano sa bilang ng kanilang mga anak bukod pa sa karamihan sa mga pinoy ay katoliko.

Sinabi ng direktor na “Family planning” parin ang solusyon kung saan hindi lamang ang paglimita ng bilang ng mga anak ang nakasaad, kundi maging kung kailan ang susunod na pagbubuntis na kung maaari ay nasa tatlo hanggang limang taon ang agwat at iba pang aspeto ng pagpapamilya.

Samantala, sinabi ni Macarubbo na patuloy ang pagpapatupad ng ahensiya sa kanilang mga programa para mabigyan nang sapat na impormasayon ang mag-asawa kaugnay sa pagpaplano ng pamilya.

-- ADVERTISEMENT --