
Inilunsad ng Department of Education, Commission on Higher Education, at Technical Education and Skills Development Authority ang One Education, isang programa na naglalayong pagdugtungin ang landas ng mga mag-aaral mula basic education hanggang kolehiyo, technical-vocational training, at trabaho.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin ng programa na gawing mas malinaw at mas maayos ang paglipat ng mga mag-aaral patungo sa mas mataas na antas ng edukasyon, hanapbuhay, at iba pang oportunidad.
Sinabi naman ni CHED Chairperson Shirley Agrupis na makatutulong ito upang mas maging maayos ang paglipat ng mga estudyante mula senior high school at technical-vocational programs patungo sa kolehiyo.
Samantala, sinabi ni TESDA Secretary Kiko Benitez na mahalaga ang isang pinag-isang sistema ng edukasyon upang makasabay sa nagbabagong pangangailangan ng mga trabaho.
Kasabay nito, inilunsad din ang Education Reform Fellowship at nilagdaan ang kasunduan para sa Project TAHANAN, na magpapahusay sa learner tracking at data sharing sa sektor ng edukasyon.










