ctto

Tuguegarao City- Matagumpay na idinaos ang online graduation sa isang pribadong paaralan sa bayan ng Sanchez Mira, Cagayan.

Ito ay bilang tugon ng naturang paaralan na makapagdaos ng pormal na seremonya para sa mga mag-aaral sa gitna ng banta ng COVID-19 sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Amir Aquino, tagapagsalita ng DepEd Region 2, ito ang kauna-unahang pagdaraos ng online graduation sa rehiyon.

Ayon sa kanya, ilan lamang mga opisyal ng paaralan ang nangasiwa ng nasabing pagtitipon habang ang mga mag-aaral naman ay nasa kanilang tahanan at nakibahagi sa seremonya online.

Muli ay nilinaw ng opisyal na sakali mang bumuti ang kalagayan ng sitwasyon bunsod ng COVID-19 ay maaari naman aniyang magdesisyon ang mga paaralan na magsagawa ng graduation ceremony.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaang nagbigay ng direktiba ang kagawaran ng edukasyon sa pansamantalang pagpapaliban ng graduation ceremonies sa mga paaralan dahil sa umiiral na enhanced community quarantin.

Samantala, sa ngayon ay patuloy namang pinag-aaralan ng DepEd ang deklarasyon sa muling pagbubukas ng klase sa susunod na school year.