Binigyan ng Department of Trade and Industry (DTI) ng palugit hanggang katapusan ng Setyembre 2025 ang mga online sellers upang mairehistro at masuri ang kanilang mga produkto para sa E-Commerce Philippine Trustmark — isang sertipikasyon na nagsisiguro na ang mga produktong ibinebenta online ay dumaan sa quality at safety checks.

Ayon kay Trade Secretary Maria Cristina Roque, layunin ng Trustmark na bigyan ng gabay ang mga mamimili kung aling produkto ang ligtas at may kalidad.

Nakipag-ugnayan na rin ang DTI sa mga e-commerce platforms upang mairehistro ang kanilang sellers, kasunod ng mga reklamo laban sa pagbebenta ng mga substandard na produkto online.

Dagdag ng kalihim, dapat ay lahat ng produktong binebenta sa e-commerce platforms ay dumadaan sa DTI para masiguro ang kaligtasan ng mamimili.