CTTO

TUGUEGARAO CITY-Kasalukuyan nang namamahagi ang office of the provincial agriculturist ng Cagayan ng vegetables seeds bilang tulong sa mga naapektuhan ng enhanced community quarantine dahil sa Coronavirus disease (Covid-19) sa probinsiya.

Ayon kay Danilo Benitez ,OIC provincial agriculturist ,nasa limang milyong piso ang inilaang pondo ng provincial government para sa pagbili ng vegetables seeds.

Aniya,125,000 bags ng mga vegetables seeds ang ibibigay sa mahigit 800 barangay ng probinsiya kung saan 150 bags ang ibabahagi sa mga barangay.

Sinabi ni Benitez na ang mga ibabahaging buto ay may siyam na klase na tinawag na “pinakbet” type na kinabibilangan ng ampalaya, kamatis, sili , upo , petchay at kalabasa.

Napili ang mga nasabing gulay dahil mabilis itong tumubo at maaari nang maaani na wala pa sa isang buwan at mainam rin ito sa backyard gardening.

-- ADVERTISEMENT --

Malaki ang magiging tulong nito sa mamamayang Cagayano dahil bukod sa mabilis na maani para sa food supply nagbibigay din ito ng sustansiya sa katawan na panlaban sa Covid-19.

Kaugnay nito, una na aniyang nabigyan ang 15 munisipalidad sa Southeastern areas partikular sa bayan ng Enrile, Solana, Tuao, Rizal habang , kahaon April 14, 2020 nakatakdang mamigay sa Northwestern Areas tulad ng Allacapan, Pamplona ,Abulug at sa araw naman ng miyerkules ay sa mga malalaking bayan tulad ng baggao at Gattaran.

Pinag-aaralan na rin ng provincial government ang natitira pang pondo dahil nabili lamang umano ang mga buto sa P4.2 milyon mula sa P5milyon na pondo para tulungan ang mamamayang Cagayano.

Tinig ni Danilo Benitez