Nagsumite ng kanyang resignation ang isang opispo sa Peru kay Pope Leo matapos na matuklasan sa imbestigasyon ng Vatican na lihim na nakikipagrelasyon sa maraming babae.
Inakusahan ang 51-anyos na si Ciro Quispe Lopez, ang bishop ng Juli, Peru ng pagkakaroon ng 17 na secret lovers.
Bagamat itinanggi niya ang mga alegasyon na bahagi umano ng paninira sa kanya ng tinawag niyang “dark hands,” ibinigay ni Lopez ang kanyang resignation sa Santo Papa nitong nakalipas na buwan, mas maaga ng mahigit dalawang dekada bago ang karaniwang pagretiro ng mga opispo ng Simbahang Katolika.
Nagsimula ang imbestigasyon ng Vatican matapos ang pagsisiyasat ni Kevin Moncada, isang journalist sa isang pahayagan sa Peru na Sin Fronteras.
Natuklasan ng journalist na nakikipaglitan ng messages, mga larawan at videos si Lopez sa maraming babae.
Bukod dito, hindi sinasadyang naipadala ng opispo ang mga larawan at videos na para sana sa kanyang mga babae sa kanilang house cleaner, na agad na inalerto ang simbahan.
Sinabi ni Paola Ugaz, isang Peruvian journalist sa The Times na nakakita sa mga dokumento ng ginagawang imbestigasyon ng Vatican, isang madre na isa sa mga lover ng opispo ay nagseselos umano sa isang abogada na kanya ring kinakatagpo at nagpadala ng impormasyon tungkol sa kanyang relasyon sa ikatlong lover na nagkaroon ng away sa abogada.
Ayon pa kay Ugaz, natatakot umano ang 17 babae na lumantad.
Dahil sa mga nasabing ebidensiya, napilitan si Lopez na magbitiw bilang opispo, bagamat pinabulaanan niya ang mga alegasyon laban sa kanya.