Hinatulang guilty ng Sandiganbayan Second Division sina former Cagayan de Oro City Rep. Constantino Jaraula, Department of Agriculture Region 10 technical director Joel Rudinas, budget officer Ma. Reina Lumantas, at accountant Claudia Artazo sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ito ay may kinalaman sa maanumalyang paglalabas ng Fertilizer Funds.

Sinentensyahan ng tig anim hanggang sampung taong pagkakakulong ang mga nasasakdal.

Inalisan rin sila ng karapatang humawak ng anumang pampublikong tungkulin, retirement at gratuity benefits.

Bukod dito ay hinatulan rin ng guilty si private defendant Evelyn de Leon, tumayong pangulo ng Philippine Social Development Foundation Inc ng isang NGO na nagpatupad ng naturang proyekto.

-- ADVERTISEMENT --