TUGUEGARAO CITY- Inilunsad sa Sto. Niño, Cagayan ang “Oplan Kalusugan sa Deped” kaninang umaga.

Sinabi ni Dr. Tenie Bringas, coordinator ng nasabing programa ng Department of Health Region 2 na kabilang sa nasa ilalim ng health program ng Department of Education ang feeding program, national drug education program, adolescent reproductive health, medical, dental and nursing services at ang pinakabago ay ang mental health education.

Ayon kay Bringas, dahil sa limitadong budget ang kanilang target pa lang sa ngayon ay isang eskwelahan sa isang munisipalidad para ipatupad ang nasabing programa.

Kaugnay nito, sinabi niya na sa kanilang aktibidad kanina sa Lipatan Integrated School para sa nasabing programa ay nagsagawa sila ng pagbunot ng ngipin at iba’t ibang health education at pamimigay ng health kits sa mga kindergarten at grade 3 pupils.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, target naman nila sa susunod na taon na maisagawa ang nasabing programa sa lahat ng eskwelahan sa susunod na tao.