Sinabi ni dating Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na maaari pang magtulak ang oposisyon ng ibang kandidato kung tuluyang hindi tatakbo sa 2028 si dating Bise Presidente at kasalukuyang Leni Robredo.

Kasunod ito ng pahayag ni Robredo na wala na siyang planong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na halalan.

Ayon kay Lacierda, kahit marami ang nais na tumakbong muli si Robredo sa pagkapangulo, kailangan pa rin ng oposisyon na maghanap ng ibang posibleng kandidato.

Ibinahagi rin niya na dati na niyang nahikayat si Robredo na tumakbo sa mas mataas na posisyon, ngunit ngayon ay naiintindihan niya ang bigat ng mga tungkulin kaya hindi na niya ito pinipilit.

Dagdag pa niya, kabilang sa mga posibleng itulak ng oposisyon ay sina Senador Risa Hontiveros at dating Senador Bam Aquino.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi rin na bukas ang oposisyon sa iba pang kandidato na may kakayahang pamunuan ang bansa sa susunod na halalan.