Tuguegarao City- Aprubado na sa ng Tuguegarao City Council ang ordinansang naglalayong limitahan din ang sakay ng mga kalesang namamasada sa lungsod.

Ito ay upang maipatupad ang social distancing sa mga commuters na nais sumakay ng kalesa.

Sa ilalim ng ordinansa ay nakasaad na dalawa lamang ang maaaring maging pasahero ng mga kutsero.

Kaugnay nito ay kinakailangan namang maglagay ng plastic cover sa pagitan ng upuan bilang dibisyon nito.

-- ADVERTISEMENT --

Sa panayam kay Vice Mayor Bienvenido De Guzman, bahagi aniya ng apruba sa ordinasa ay ang pag-iingat upang maiwasan pa rin ang pagkalat ng virus.

Sinabi pa nito na pansamantala namang binago ang pamasahe ng kalesa kung saan mula sa dating P10.00 ay ginawa naman itong P25.00.

Samantala, nakasaad naman sa ordinansa na sinumang mahuhuling lumabag ay maaaring patawan ng kaukulang multa habang maiimpound pa ang kanilang kalesa.