
Nanawagan ang Organisation for Economic Co‑operation and Development sa gobyerno ng Pilipinas na i-phase out ang VAT exemptions para sa senior citizens at private schools at bawasan ang fiscal incentives upang paliitin ang budget deficit at mapangalagaan ang public debt.
Ayon sa grupo, kailangan ng mas maayos na pagkolekta ng buwis at epektibong paggasta, kasabay ng targeted social transfers at pag-phase out ng corporate tax holidays.
Iminungkahi rin ng OECD ang tiered social protection system, universal basic pension para sa matatanda, at paglilipat ng financing ng universal healthcare mula sa social security contributions patungo sa general taxes.
Kabilang sa rekomendasyon ang reporma sa public administration at pension system ng military at uniformed personnel para mapahusay ang efficiency ng paggasta.
Tinatayang aabot sa 5.1% ang paglago ng GDP ng Pilipinas sa 2026 at 5.8% sa 2027, ngunit may hamon mula sa bumabagal na populasyon at panganib ng climate change.
Upang maabot ang layunin ng “AmBisyon Natin 2040,” kailangan tumaas ang average annual productivity growth sa 5.2% at makamit ang 6% GDP growth mula 2025–2040.










