Hinamon ni House Deputy Speaker at La Union Representative Paolo Ortega V si Vice President Sara Duterte na siya muna ang magbitiw sa puwesto bago manawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-resign.

Ito ang tugon ni Ortega sa panawagan ni Duterte noong weekend na bumaba sa puwesto si Marcos dahil umano sa kabiguan nitong tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino sa gitna ng malawakang pagbaha.

Ayon kay Ortega, kung nais ni Duterte na magbitiw ang Pangulo, dapat ay siya muna ang mag-resign upang magbigay umano ng halimbawa.

Ikinuwento rin ni Ortega na hindi dapat umanong sumunod ang buong bansa sa mga nais ng bise presidente. Kaugnay ito ng kinakaharap na impeachment case ni Duterte at ng hiwalay na tatlong bilang ng grave threats kaugnay ng kanyang mga pahayag laban kina Marcos, First Lady Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Samantala, wala pang tugon ang kampo ni Duterte sa mga pahayag ni Ortega.

-- ADVERTISEMENT --