Photo credit: Tuguegarao City Information Office

TUGUEGARAO CITY-Muling hinimok ng Office for the Senior Citizen’s Affairs (OSCA)-Tuguegarao ang mga senior Citizen na magpabakuna kontra covid-19 para magkaroon ng proteksyon sa nakamamatay na sakit.

Ayon kay Luicito Tumaliuan ng OSCA-Tuguegarao, may ilang mga senior citizen pa rin sa lungsod ang may agam agam na magpabakuna kung kaya’t ito ang kanilang hinihimok para mabigyan ng proteksyon.

Sa ngayon, sinabi ni Tumaliuan na nasa 80 percent ng mga senior citizen sa Barangay Atulayan ang nabakunahan na sa tulong na rin ng kanilang barangay officials na nagbigay ng impormasyon ukol sa magandang epekto ng pagbabakuna.

Bukod pa aniya ito sa bilang ng mga nagwalk-in na nagpabakuna sa isang malaking mall dito sa lungsod.

Sinabi ni Tumaliuan na ang mga senior citizen na nagwalk-in ay sila ang mga unang tumanggi na tumanggap ng bakuna pero kalaunan ay pumayag rin.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi rin umano problema ang sasakyan para sa mga nais magpabakuna na hirap makapunta sa mga vaccination sites dahil may inilaang sasakyan ang lungsod na magsusundo sa mga ito.

Pagkukwento ni Tumaliuan na wala naman siyang naramdamang anumang side effects o masamang epekto sa kanyang katawan matapos mabakunahan.