TUGUEGARAO CITY-Pupunta umano ang mga opisyal ng Office of the Senior Citizen Affairs Office sa Tuguegarao sa mga barangay upang ipaalam at ipaliwanag sa mga senior citizen ang kanilang mga benepisyo.

Sinabi ni OSCA President Luisito Tumaliuan na gagawin nila ito dahil sa marami umano sa kanilang mga miembro ang nagtutungo sa kanilang opisina at nagtatanong tungkol sa kanilang mga benepisyo.

Ayon sa kanya,hindi rin kasi aktibo ang mga presidente ng mga senior citizen sa mga barangay para sa information dessimination ukol dito.