Personal na bumisita sa Bombo Radyo Tuguegarao si Atty. Ruth Castelo, spokesperson ng Office of the Vice President para sa isang panayam.

Kaugnay nito, sinabi ni Castelo na layunin ng kanilang pagbisita ay para sa mamahagi ng karagdagang relief goods sa mga pamilyang naaapektohan ng bagyong Opong sa mga bayan ng Amulung at Alcala, Cagayan.

Sinabi niya na nagpunta naman si Vice President Sara Duterte sa Bicol Region para sa katulad na aktibidad.

Ayon sa kanya, ang mga nasabing bayan ang rekomendasyon ng kanilang sattelite office sa Cagayan na mabigyan ng ayuda na bigas at mga de lata dahil marami pa sa mga pamilya ang hindi nabigyan ng ayuda.

Kasabay nito, sinabi ni Castelo na tuloy-tuloy ang gagawing pamamahagi ng OVP ng ayuda sa ibang lugar, kung saan nakatakda rin silang pumunta sa isla ng Calayan, Cagayan sa susunod na buwan.

-- ADVERTISEMENT --