Iginiit ng Office of the Vice President na walang pondong nawala matapos i-flag ng Commission on Audit ang P168 milyon na relief operations ng tanggapan noong 2025 dahil sa mga kakulangan sa dokumentasyon.

Ayon sa OVP, dulot umano ng pagbabago sa sitwasyon at field conditions ang mga discrepancy at lahat ng pondo ay accounted for.

Samantala, sinabi ng COA na may 24 relief operations na nagkakahalaga ng P39.01 milyon na lumihis sa approved mission orders nang walang dokumentadong approval.

Mayroon ding walong mission orders na walang malinaw na target beneficiaries na katumbas ng P84.12 milyon, ayon sa state auditors.