Pangungunahan ni Sen. Koko Pimentel ang pagpapasinaya sa itatayong P1.2 billion Amulung bridge na magdudugtong sa Eastern at Western part ng Amulung sa ika-31 ng Enero ngayong taon.
Ayon kay Cagayan 3rd district Congressman Jojo Lara na hudyat ng isasagawang ground breaking ceremony ang pagsisimula ng 3-year contract sa konstruksiyon ng tulay.
Nasa P135 million ang inilaang pondo para sa phase 1 ng konstruksyon sa isang kilometrong haba ng tulay mula Barangay Anquiray sa eastern hanggang Barangay Tana sa western part.
Samantala, inimbitahan rin sa naturang seremonya sina Sen. Bong Go at DPWH Secretary Mark Villar.