Nasabat mula sa isang 24-anyos na suspek na itinuturing na Top 10 Drug Personality sa Regional Level ang P1.2 milyong halaga ng marijuana bricks sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Calagdao, Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay PCOL. Davy Vicente Limmong, Director ng PNP Kalinga, naaresto ang suspek na nakilalang si Bernel Bigut, residente ng Brgy. Lacnog habang kasalukuyan namang tinutugis ang isa pang nakatakas na kasamahan nito.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang sampung marijuana bricks na tumitimbang ng sampung kilo matapos nitong bentahan ang isang undercover agent na umakto bilang poseur buyer.

Nakumpiska rin sa kanya ang P1,000 genuine bill at P99,000 sa kabuuang boodle money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- ADVERTISEMENT --