
Lusot na sa House of Appropriations panel ang panukalang P10,155,758.00 billion budget ng Office of the President para sa fiscal year 2027 sa loob lamang ng 15 minuto, matapos bigyan ng parliamentary courtesy sa kabila ng pagtutol ng ilang minority lawmakers.
Si Executive Secretary Ralph Recto ang humarap sa appropriations panel para idepensa ang mahigit P10 billion na budget ng Office of the President.
Malaki ang budget ng OP para sa 2026 dahil sa hosting ng Pilipinas sa ASEAN (Association of Southeast Asian Nations).
Naniniwala si Recto na sapat ang nasabing pondo upang matugunan ang mga pangangailangan sa panahong sabay-sabay na kinakaharap ang mga hamon sa loob at labas ng bansa, kabilang ang mga tensiyong geopolitical at kaguluhan sa Middle East, mga bagyo, El Niño, at iba pang kalamidad.
Matapos ang naging presentasyon ni ES Recto, naghain ng kaniyang mosyon si Minority Leader Marcelino Libanan na bigyan ng parliamentary courtesy ang OP kung saan tinatapos na ang interpellations na sinegundahan naman ni Senior deputy Rep. Ferdinand Hernandez.










