Umabot sa mahigit P10.8M ang binunot at sinunog ng mga otoridad na seedlings at fully grown marijuana sa magkahiwalay na plantation sites sa Brgy. Luccong at Butbot Proper, Tinglayan, Kalinga.

Ito ay matapos ang tatlong araw na paglulunsad ng marijuana eradication sa naturang lugar.

Ayon kay PCOL Davy Vicente Limmong, director ng Kalinga PNP, limang plantation sites ang nadiskubre sa Brgy. Luccong na may sukat na 7700s.qm kung saan nakatanim ang mahigit 38,500 na fully grown at mahigit 18,000 na marijuana seedlings na may halagang P8.4M.

Sunod namang natagpuan ang dalawa pang plantation sites sa Butbot Proper kung saan nakatamim ang mahigit 12,000 na fully grown marijuanang nagkakahalaga ng P2.4M.

Sinabi ni Limmong na natukoy ang naturang mga plantation sites sa pamamagitan ng mga natatanggap na impormasyon at sa pagsasagawa ng drown assessment.

-- ADVERTISEMENT --

Walang nahuling cultivator ang mga otoridad matapos ang kanilang operasyon.