Inihayag ni Senator Panfilo Lacson na halos lahat ng mga senador ng 19th Congress ang nagsingit ng nasa P100 billion na halaga ng items sa 2025 General Appropriations Act (GAA).
Tinukoy ni Lacson, Senate pro tempore at blue ribbon committee ang mga dokumento na kanyang nakalap na may kanya-kanyang insertions ang mga senador, bagamat nakatakda pa lamang ilabas ang mga ito.
Sinabi ni Lacson na bubusisiin pa lamang niya ang listahan ng mga kongresista, subalit nakita na may mahaba ring listahan ng insertions ang mga ito.
Ayon kay Lacson, posibleng ipatawag niya ang mga mahahalagang ahensiya ng pamahalaan sa budget deliberations upang magpaliwanag kung bakita pinapayayan ang nasabing insertions.