TUGUEGARAO CITY- Kinumpirma ni Pcapt. Marilou Pichay ng PNP Sta.Teresita, Cagayan ang P100k na pabuya na alok ni Mayor Rodrigo De Gracia sa sinumang makakapagturo sa mga suspek na bumaril-patay sa isang empleado ng korte sa nasabing bayan.

Sinabi ni Pichay na ang pabuya ay mula umano sa personal na pera ng alkalde para mapabilis ang pagresolba sa pagpatay kay Inocencio Varilla, 56, utility ng korte sa nasabing bayan.

Kaugnay nito, sinabi ni Pichay na mayroon na silang 2 persons of interest sa nasabing krimen na mga nakaalitan umano ng biktima dahil sa kanilang fishpond.

Sinabi ni Pichay na bago ang insidente, nagtungo ang biktima sa kinaroroonan ng kanyang mga aso para magpakain.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, dahil ilang oras na ay hindi pa bumabalik ang biktima ay hinanap na siya ng kanyang mga kamag-anak kung saan ay nakita siyang palutang-lutang sa fishpond.

May nakitang tama ng bala ng baril sa kanang taynga ang biktima.