Ibinahagi ng lokal na pamahalaan ng Lapu-Lapu City, Cebu na hindi lang libreng tuli ang hatid nila kundi may kasama pang P10,000 cash reward para sa mga kalalakihang edad 20 pataas na sasailalim sa tuli.

Ayon kay Mark Anthony Bautista ng Public Information Office, sinimulan ang kakaibang programa noong 2023 bilang bahagi ng health advocacy ng lungsod matapos ang pandemya.

Kwento ni Bautista, eksperimento lang sana ito ni Mayor Ahong Chan ngunit laking gulat nila nang may sumubok—kabilang na ang isang 70-anyos na tumanggap pa ng dobleng pabuya.

Noong 2024, lima rin ang lumahok at nakatanggap ng tig-P10,000.

Ngayong taon, dalawa pa lang ang nakatatanggap ng gantimpala habang nagpapatuloy pa ang schedule ng libreng tuli.

-- ADVERTISEMENT --