Ikinalungkot ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang desisyon ng Kongreso na tapyasan ng P12 bilyon ang pondo ng kanilang departamento, sa ilalim ng 2025 General Appropriations Bill (GAB).

Ang kanyang kalungkutan ay isinapubliko ni Angara sa isang paskil sa kanyang X official account.

Ang naturang pondo ay magagamit sana aniya ng DepEd para sa libu-libong computers/gad­gets ng mga mag-aaral sa public schools.

Dismayado rin ang kalihim dahil tila mas pinahalagahan ng mga mambabatas ang mga imprastraktura kumpara sa edukasyon ng mga kabataan, matapos na dagdagan ng mga ito ng P289 bilyong pondo ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

-- ADVERTISEMENT --