CTTO

TUGUEGARAO CITY-Dapat gawin ng libreng tulong ang P15,000 na planong ipautang ng gobyerno sa mga magsasaka.

Ito ang panawagan ni Edwin Paraluman,National Chairman ng Philippine Farmers Advisory Board , para maibsan ang pagkalugi ng mga magsasaka dahil sa mababang pagbili ng kanilang mga aning palay dahil sa Rice Tarrification Law.

Ayon kay Paraluman, maliit na halaga lamang ang P15,000 para sa mga kakailanganin sa pagsasaka dahil umaabot sa P60,000 ang nagagasto ng bawat magsasaka sa isang ektaryang palayan.

Dahil dito, sinabi ni Paraluman na mas mabuting gawin nang tulong sa halip na ipautang.

Bagamat zero interes ang nasabing pautang, magdadagdag pa rin ito sa napakalaking utang ng mga magsasaka.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Edwin Paraluman

Samantala, sinabi ni Paraluman na sa kabila ng pagdami ng imported rice sa bansa , hindi umano bumababa ang presyo nito sa merkado dahil hindi binababaan ng mga retailer.

Dahil dito, sinabi ni Paraluman na dapat tignan din ito ng gobyerno para maging balanse.

Aniya, sinusuportahan ng bansa ang mga magsasaka sa ibang bansa habang ang mga pilipinong magsasaka ang napag-iiwanan.

Tinig ni Edwin Paraluman